Ang tagal na din

Sobrang tagal na nung huli akong nagpost dito. Siguro dahil madami akong hinarap na problema sa loob ng tatlong taon ko sa kolehiyo na nagdulot sakin ng kalungkutan at pagsisisi. Sapunto ngayon ng buhay ko, madami akong “regrets”. Oo. Sobrang dami. LAgi kong sinasabi  sa sarili ko na dapat kapag gumawa ako ng bagay, hindi ko pagsisisihan ito dahil ginusto ko naman ito. Pero ngayon, ang dami kong narealize. Kailangan pa kong masaktan ng pinakamamahal ko para lang matauhan ako na napakalaki kong tanga.

December 2011 noong umibig ako sa maling tao. Akala ko nung una basta kasama ko siya at walang bibitaw saming dalawa, kakayanin ko to. Eh paano na nung ako na lang ang nananatiling nakahawak at siya may hawak ng iba? Sobrang sakit. Sobrang sakit na sa loob lang ng dalawang linngo ay kaya niyang ipamukha sayo na wala na kayo, wala kang kwenta, at masama kang tao. Biruin niyo yun, lahat ginawa mo sa kanya pero kinaya niyang kalimutan lang iyon. Noong nakaraang tatlong linggo, lagi ko lang iniisip na masama ba ako at hindi pa ba ako sapat. Panget ba ako? Kulang pa ba? Nawala din ang tiwala ko sa sarili ko. Nawala lahat ng inipon kong lakas ng loob dahil iniwan niya na ko. Masakit kapag iniwan ka ng taong pinaglaban mo, at iniwan mo lahat para sa kanya, di ba? Wala na kong nagawa kung hindi ang umiyak. Sa loob ng tatlong taon ang ginawa ko lang ay lumuha para sa taong hindi alam ang halaga ko. Pinagpalit niya lahat ng pinagsamahan namin para sa kasiyahan niya. Ang sabi niya sa akin ay mahalaga daw ako kaya naman pilit niya akong nilalayo sa kanya upang hindi na ako masaktan. Pero sa tingin niya ba hindi niya ako sinasaktan sa ginagawa niya? Ang tagal ko na ding  nagtiis at lumuha, siguro naman ay deserve ko namang sumaya at mamuhay ng katulad dati.

Sobrang tagal na din nung humalakhak ako ng wagas at walang humpay. Kat tagal na din nung nakausap koang mga kaibigan ko na iniwan ko para sa kanya. Sobrang tagal na nung huli akong tunay na naging masaya. Kay tagal niya kong kinulong sa buhay niyang puro lungkot at dusa. ANg dami kong sinakripisyo. Pera at buhay ko ay nawala. Iniisip ko nga kung paano kaya kung hindi ko siya minahal? Paano kung naging masaya na ako sa pagiging ako. Yung ako na nawala simula nung minahal ko siya. Ang dami kong nawalang oras para sa mga taong mahal na mahal ako para sa taong iyon. Napakalaki kong tanga.

Oo. Hindi ko pa siya kayang kalimutan agad at oo nasasaktan ako sa lahat ng nangyari. Pero alam ko na kugn gaano ako katagal nagtiis ganun din ako katagal magiging masaya. Alam ko tutulungan ako ng Diyos sa ganitong panahon.

Posted on 25 May 2014



despicable-me:

BEE-DO!
Download

SOON! <3

despicable-me:

BEE-DO!

SOON! <3

Posted on 12 June 2013


(Source: arsenic-and-endorphins)

Posted on 15 April 2013


yanilavigne:

(Quotes here)

yanilavigne:

(Quotes here)

(via ispeakquotes)

Posted on 7 April 2013


Make the most of everyday :)

(Source: kimpoyfeliciano, via kimpoyfeliciano)

Posted on 7 April 2013



eeshplgr:

DESPICABLE ME II :”>

(Source: lupitaanyongo, via yshafterhours)

Posted on 25 March 2013


Pag wala ka….

Bata: ate pwede magtanong?
Girl: ano yun?
Bata: pag wala ka bang kamay mag bbracelet ka ?
Girl: ndi!
Bata: pag wla ka bang daliri magsisingsing ka?
Girl: natural hindi.
Bata: eh bakit ka naka BRA? feel mo lang ba o nantitrip ka lang?
Girl: gag*ng bata to ah. lumayas ka nga sa harap kong p*t# ka h@y*p ka hampaslupa!

Posted on 19 January 2013



JOKE TO.

EKSENA SA MCDO

Dalawang Pilosopo nag-uusap

Customer:Pa-order nga isang Cheeseburger, Fries at CokeFloat.

Cashier:Dito nyo po ba kkainin sir?

Customer:Ay di ba pede sa table nlang? Nkkahiya kung dito. Mdami png nkapila.

Cashier:Ah. Gusto nyo po sa table kumain. Gmit kayo ng plato sir, kadiri nman sa table kayo kakain..

Posted on 1 January 2013



you mad, kitty?

you mad, kitty?

Posted on 29 December 2012


(via sweetselindipity)

Posted on 8 December 2012